TV Craze Chat


Current LOCATION of Publisher/Author: United States

Please use the ENGLISH language in the chatbox so that we can communicate with each other especially the visitors from around the world.


Get your own Chat Box! Go Large!

-----------------

Thursday, February 22, 2007

GMA7 Executive: Wilma Galvante, naghahasik na naman ng lagim?

Originally Posted by cla_cbe_d_best of PEx
^^ PILIT ^^


KAPAL muka - ganito ang title ng email nila, mga press releases na ipapamudmod sa tabloids tsk tsk...eto yung nabuko sila. old habits. pero ngayon, sobrang confidential, pero my nag leak pa rin.. i post ko pag nakakuha ako ng copies..until now, buhay na buhay ang mga galamay ni WILMA G. para sirain ang mga ABS stars.. ingat po mga kapamilya. DI LANG SI KRIS... BERNADETTE,CLAUDINE AT PIOLO BINANATAN DIN NG SIYETE.

Ang nilalaman ng rejoinder affidavit ni Tet Defensor, dating program publicity manager ng GMA-7, ang katibayang mapanghahwakan ngayon hindi lamang ni Kris Aquino kundi pati na ng ABS-CBN na totoo palang sadya at pinagsusunugan ng kilay ng Kapuso network ang pagbira ng personal sa kalaban nilang istasyon. Sa kanyang huling pagkakataon ng kanyang sinmupaang salaysay ay naibigay ni Tet sa korte ang mga dokumentong naglalaman ng mga detalye kung paano tinatrabaho ng Siyete ang kanilang ANTI-ABS "NOISE".

Ayon kay Tet, wala pa siya sa siyete ay meron nang pangyayaring pagpaplano, Feb.19,2004 ang petsa ng dokumento, samantalng March 1,2004 opisyal na naging empleyado ng istasyon si Tet, pero isinasama na sya sa miting. Ang dokumento na minarkahang "Annex C" sa rejoinder affidavit ni Tet ay isang email na ipinadala kay Butch Racquel, OIC For Corporate Comunications ng Siyete, na mula naman kina Rosette Hernandez at Gigi Santiago na parehong unit managers ng GMA-7.

Ang nilalaman ng e-mail ay puro negatibo sa mga programa ng ABS-CBN, humaba nang humaba ang dokumento dahil sa pagpapalitan ng opinyon ng mga kinauukulan, pero ang kabuuan ay nakatutok lamang sa kung paano nila ibabagsak ang lahat ng artista at programa ng Dos.

Unang halimbawa, tungkol kay Kris Aquino na nagsampa na ng kasong libelo laban sa mg ehekutibo ng istasyon na nagkakahalaga ng P80-M dahil sa lumabas na press release ng Siyete nung July 9 na puro kasiraan nito ang nilalaman, ay ganito ang sinasabi sa dokumento: "What about... Kris Aquino, turn-off na ang mga viewers kaya tsugi na ang show at kahit anong show pa siya ilagay...NEGA ang perception. Liar sya.I rest my case. (Santiago,Gigi Q.) WVG:'Wag na tayong makisawsaw dito, lumalabas na naman ito" Ang WVG na nagkomento ay si Wilma V. Galvante, VP for Entertainment ng GMA-7. Ito ang sinasabi ni Tet Defensor sa kanyang affidavit na ang eksaktong nilalaman ay ganito, "The column feed against ABS-CBN and Kris Aquino was formulated as early as Feb.19,2004(that time I was not yet employed at GMA-7) it can be seen from an email sent to Mr. Butch Racquel on this date with the subject heading: "ANTI-ABS NOISE" by one Rosette Hernandez and one Gigi Santiago,both unit managers of GMA Network.

Attached is a copy of the original message marked as Annex C." Nasa dokumento rin ang komento tungkol kay Bernadette Sembrano, dating host ng Wish Ko Lang na lumipat na sa Dos, tinawag nilang "Halik ni Hudas" ang paghalik ng mabait na host kina Ms. Charo Santos at Ms. Cory Vidanes. Tungkol naman kina Piolo Pascual at Claudine Barretto ay tinawag nilang "lukewarm at flopchina" ang pelikulang Milan, hiwalay ang pag-aangat nila sa napakaliit na papel ni Iza Calzado sa Milan, na ganito ang sinasabi, "Diba, pwedeng mapalabas na it was Te Amo's Iza Calzado that saved the film from total devastation? Gamitin natin to our advantage ang participation ni Iza in a Star Cinema film that even they saw her markadong performance as Mary Grace, Piolo's wife. (Santiago, Gigi Q.)" Isa pang banat ito, "Kailangan nating i-dilute ang excitement of Piolo on primetime na coming soon (referring to Mangarap Ka).

Walang K ang kanilang mga fresh talents na isalaksak sa A.S.A.P. (referring to Sarah Geronimo, Erik Santos, Star In A Million Finalists and SCQ). Wala silang talent nor karisma sa tao. Meron pa ngang mukhang transvestita." "Lets scream to the amazing gains of the likes of Rainier (eg. Fans' Day last Sunday). Extra Challenge this week's survivor StarStruck vs. Kris Aquino as glorified standupper/continuity V.O. in this week's trying hard to be Extra Challenge Format of Game Ka Na Ba? na dapat machukchak na! Bomba stars making fools of themselves versus our fresh talents? Wagi tayo di hamak. (Santiago, Gigi Q.) "WVG: If we talk about them, dapat isang malaking banat lang, balik agad sa GMA. Lets not talk about them, lest we generate excitement for them." Ngayon ay alam na namin kung saan nag-ugat ang mga ganitong atake sa mga kolum na nabasa namin, nasagot na ang matagal na naming hinahanap, nandito lang pala sa dokumentong hawak ni Tet na ganito ang sinasabi: "We need a strong position on GMA as a network is now the REAL STAR MAKER. Personality sila. Tayo, network as entity. Si Mr. M na ibinabandera nila in their release, hindi na nga ang so-called Talent Center nila. Hindi ba maganda i-ask - paano na na ang dose-dosenang mga bata from tha last 12 Star Circles na patay na ang career ngayon.

Saan ang staying power? Shopping ng shopping para sa mga bagets...para saan? maging FROZEN DELIGHT at ibuburo ang mga bagets? (Santiago, Gigi Q.) WVG: Okay ang idea na network as entity as REAL STARMAKER not one personality. Na-prove ng GMA na we know how to do it the best way possible. Message should include: CREDIBILITY is with GMA na."

Ang dami-dami pa, napkarami pa, tulad ng banat nila sa Marina na ganito naman ang takbo ng kanilang publisidad. "Marina daw revolutionary...Eh bakit di nila i-air ngayon na? Bugbog sa plug pero para ba yang ampao na pag kinagat, hangin ang lalabas? " Takot ba sila sa tunay at totoong galing ng GMA gumawa ng mahusay at dekalibreng SERYE o totoo nga na hindi pa tapos ang first episode at naloloka sila to finish? Ayaw natin ito, baka ma-excite sila sa paglabas.

E kung di mailabas baka hindi maganda ang pagkakagawa? Don't tell me di sila gawa ng MTV nito?Laos! Malapit na. Malapit na malapit na raw si Marina. Lunurin ang mga sirena.Kailan ba talaga ang showing nito, kuya?" Ilan lamang ito sa mga pagpapalitan ng komento-ideya nina Ms.Wilma Galvante, Rosette Hernandez at Gigi Santiago sa email na nakuha ni Tet Santiago bilang ebidensya laban sa pamunuan ng Siyete. Habang isinusulat namin ang kolum na ito ay nanlalata at napapailing kami, ang lahat ng nababasa namin ngayon sa hawak naming dokumento ay nabasa namin sa mga pahayagan,nalulungkot kami dahil ang akala nami'y personal na opinyon ng mga manunulat ang aming nabasa.

Napaniwala kami na yun ang tunay nilang paninindigan, akala nami'y sinasaladuhan nila talaga ang GMA-7, pero ang mga pinanggalingan palang hulmahan ang mga papuring yun na ibinabagsak naman ang ABS-CBN."

-----------------------

TFC GodSon's 100% Analysis:

1.) Parang PIKONIN yata ang executive.
2.) Nalulunod sa galit ang executive.
3.) Meron pa palang ganyanan hanggang ngayon.
4.) At isa pa matagal ko ng na halata na meron palang ganyanan sa loob ng GMA Compound.

- Oh, well wala tayong magagawa, kung negative ang attitude ng executive damay ang mga empleyado nito. Let them do that & they will regret it. Mabuti narin na hindi pumatol ang ABS-CBN sa executive.

Sa ngayon, anong network ang pinabato ng papuri? At anong network ang binabato ng "criticisms?"

For me, that woman is a monster & a big paint on the neck!

No comments:



Blog Archive

History

The History of the site:

This site was created during Dec. 30, 2006 (Philippine Time) known as "Kapamilya Pinoy Blogspot" at first but the author decided to change it to "TV Craze," on 5:06 a.m., February 12, 2008 (Philippine time). KPB still exists but it serves as a portal to this site for those who embraced its name. The name may have changed but the contents are still the same.
Powered By Blogger

Disclaimer

TV Craze is not affiliated and related to any network especially ABS-CBN Broadcasting Corporation & GMA Network Incorporated (Philippine TV) nor ABC, CBS, NBC, FOX, The CW and MNT (American TV Networks). This blog is only a site for TV Addicts and it provides informations.