FIRST READ ON PEP: Angel Locsin's manager finally confirms transfer to ABS-CBN
Nora Calderon
Saturday, July 21, 2007
04:04 PM
Ilang linggo nang umiikot ang bali-balita tungkol sa paglipat diumano ni Angel Locsin sa ABS-CBN. Sa katunayan, may nakahanda na nga raw na project para sa kanya doon, ang Daddy's Angel, kung saan makakasama raw niya si Christopher de Leon.
Pero nag-deny ang kampo ni Angel tungkol dito. Wala raw ganoong negotiation na nangyayari, kahit pa mga taga-ABS-CBN na ang sources ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Sinubukan din ng PEP na hingin ang side ng GMA Network, pero tikom ang bibig ng mga nakausap namin doon kung ano ang napagkasunduan sa pakikipag-meeting ni Angel at ng manager niyang si Becky Aguila sa mga executives ng network sa Shangri-la EDSA Plaza.
Pero bago umalis sina Angel at Becky para sa premiere showing sa United States ng movie na sila ang nag-produce, ang Angels, sa United States, nagbigay na rin ng hint si Becky sa ilang malapit sa kanya na totoong may negotiation sa ABS-CBN. Pero hintayin na lang daw ang pagbabalik ni Angel para siyang sumagot sa mga tanong.
Hindi na sumama si Angel sa pagbalik sa Pilipinas ni Becky at ng mga co-stars niya sa Angels na sina Jennylyn Mercado, Patrick Garcia, at Marvin Agustin. Sa interview sa kanila, hindi sila nagbigay ng kahit anong sagot kung bakit hindi nila kasama si Angel.
Iyon pala, naiwanan na raw si Angel kasama ang sister niya at ang pinsan niyang si Mario Colmenares sa US at doon na siya manggagaling papuntang London. Magsisimula na raw ang crash course ni Angel sa fashion design sa Monday, July 23.
Kahapon, July 20, nasa press launch ng Cinemanila sa Gateway Cinema lobby ang PEP nang may nagkuwento over lunch na isa raw malaking balita ang sasabog dahil right at that moment (past 12 noon), pumipirma na raw ng kontrata si Becky at ang ama ni Angel na si Mr. Angel Colmenares sa ABS-CBN. Sigurado na raw na isa nang Kapamilya si Angel pagbalik nito from London.
Nagulat naman ang PRO ni Becky nang sabihin namin iyon sa kanya, wala raw siyang alam. Kaya tinext niya si Becky, pero hindi ito sumagot sa kanya.
Isa ring kasama sa panulat ang nag-text sa isang executive ng ABS-CBN at negative din ang sagot nito, wala raw siyang alam. Kahit si Mario Dumaual ng TV Patrol World ay nagulat din, dahil wala raw sa assignment niya that day ang pirmahang sinasabi, kahit pa sinabi naming ipalalabas daw sa news program nila iyon, plus ang interview kina Becky at Mr. Colmenares.
Later, nag-text sa PEP ang PRO ni Becky at sinabi nitong hindi totoo ang balita, nasa bahay raw niya si Becky nang oras na iyon.
Pero sa TV Patrol World last Friday evening, July 20, nag-appear nga ang interview kina Becky at kay Mr. Colmenares. According to the source of PEP, five p.m. that day daw ginawa ang interview ni Boy Abunda na doon na siniguro ni Becky na tuloy na ang paglipat ni Angel sa ABS-CBN.
Ayon kay Becky, in-offer niya raw ang services ng talent niya. Trabaho raw talaga ng manager na tulad niya na ihanap kung saan sa palagay niya ay may mas magandang chances ang kanyang talent.
Pero wala pa raw pirmahang naganap. Wala pa ring sinabi si Becky kung ano ang first project ni Angel sa ABS-CBN.
Ngayong araw, July 21, umalis si Becky for London. Doon na raw sila magkikita ni Angel. Two weeks lamang daw sila roon at babalik agad sila pagkatapos ng classes ni Angel.
From an ABS-CBN insider, sinabi nito sa PEP na inihahanda na raw ang contract ni Angel at hihintayin na lamang ang pagbalik nito para sa formal contract signing at pag-welcome sa kanya sa ABS-CBN. Dagdag pa niya, may gagawin din daw movie si Angel sa Star Cinema na makakatambal nito si Piolo Pascual dahil wala na rin daw namang contract si Angel sa kanyang mother studio, ang Regal Entertainment.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers. (Philippines only!)

1 comment:
I wonder why there are people who make a big deal about it. I dont think Angel is Ingrate because pareha lang naman clang nakibang, pinasikat nila si angel, top rated naman cla. So many people acted like madam auring na nanghuhula sa magiging future career in ni angel sa abscbn, wla kayong karapatang mag judge, Angel has potentials and she needs to improve and ABSCBN has the abilty to do it, GMA7 stars are very poor in acting, no wonder almost all the big stars are in abscbn rightnow.
Totoo nga naman, bakit ba naman mag tattransfer si angel kong maganda na career niya sa gma7? ibig sabihin nun mas better ang abscbn, hindi kayu ang nakakaalam kong anu ang mas mabuti para kay angel, nawawalan nga cya ng fans sa GMA7, do doblehen pa yan pagnasa kapamilya na cya! Si anne curtis nga na walang kabuhaybuhay ay nagawang bigyan ng ningning ng abscbn si angel pa kaya na sikat na??? hay naku kayong mga kapuso para kayong namatayan kong mag react!
Post a Comment