Naniniwala kami sa pahayag ni Gretchen Barretto na wala silang kahit ano mang relasyon ni John Estrada.
Marahil, dahil pareho silang nakainom ay hindi na nahadlangan ang pagkuha ng litrato o video.
Mabilis at panakaw lamang ang pagpapakita sa amin ng litratong ‘yan mahigit isang linggo na ang nakaraan.
Nang i-blind item namin iyon last week ay may tumawag sa amin kung sinu-sino ang sangkot sa isinulat namin.
Hindi namin sinabi sa tumawag kung sinu-sino ‘yun.
Nang lumabas na ang isyu sa TV ay saka naming nalaman na nandoon pala sa lugar ng pinangyarihan ang tumawag sa amin.
Nakausap namin muli ang tumawag sa amin at medyo nag-worry siya nang lumabas na ang insidenteng ‘yun, although wala raw talaga ‘yun at nagkakasayahan ang lahat.
Ang hindi lang daw maganda ay kung bakit kinunan pa ‘yon ng camera na pag-aari ng lalaki.
source:
http://www.abante-tonite.com/issue/june1207/main.htm
No comments:
Post a Comment