MARITONI FERNANDEZ - Mas pinili ang 'The Buzz' kesa 'Showbiz Central?'
Rey Pumaloy
Humihingi ng paumanhin si Maritoni Fernandez sa GMA 7 sa hindi niya pagpayag na ma-interview siya ng Showbiz Central (show nina Pia Guanio, John Lapus at Raymond Gutierrez).
Sa halip na magpa-interview kasi sa Showbiz Central, sa kalabang show na The Buzz ito nagpa-interview ng live.
Siyempre, may kinalaman pa rin ang interview kay Maritoni sa akusasyon na nag-shoplift siya ng lip-gloss sa Shopwise.
Nagtaka kasi ang mga taga-Showbiz Central kung bakit sa kanilang show lang hindi pumayag si Maritoni, samantalang pumayag siyang magpa-interview sa isang talkshow ng GMA, ang Startalk.
Esplika ni Maritoni, si Manay Lolit Solis kasi ang kauna-unahang manager niya sa showbiz, at si Boy Abunda naman ay matagal na niyang kaibigan.
Sabi pa niya, sa panahong ito na may problema siyang pinagdaraanan, ang naiisip niyang safe na venue para ilahad ang kanyang kuwento ay ang The Buzz ni Kuya Boy.
Anyway, nag-sorry na nga si Maritoni sa GMA 7 at sa Showbiz Central. Nag-alala siya na baka banatan siya ng Showbiz Central.
Sa totoo lang, ako man ay nagulat sa inasal ngayon ni Maritoni, na mula sa pagiging isang malaking tigre, ay naging maamong tupa na siya ngayon.

No comments:
Post a Comment