TV Craze Chat


Current LOCATION of Publisher/Author: United States

Please use the ENGLISH language in the chatbox so that we can communicate with each other especially the visitors from around the world.


Get your own Chat Box! Go Large!

-----------------

Sunday, August 05, 2007

Abante Tonite: Ronnie Liang, muntik nang mabaril!

Muntik nang mamatay si Ronnie Liang (ng Pinoy Dream Academy) noong Biyernes nang gabi sa Amerika (Sabado nang hapon sa Manila time).

Nasa US si Ronnie kaugnay sa PDA concert sa Washington, DC kasama sina Yeng Constantino, Jay-R Siaboc, Makisig Morales, Carlo Aquino at Angelica Panganiban.

Kuwento ni George Roca (manager ni Ronnie), "Busog na busog si Ronnie nang mag-dinner noong Friday. Bandang 9:00 PM, bumaba siya sa hotel para mag-jogging.

"Conscious kasi si Ronnie sa kanyang health. Puno naman ng lights ‘yung paligid ng hotel, saka uso roon ang jogging chorva pag gabi.

"Sa likod ni Ronnie habang nagdya-jogging siya eh may mga Mexicano. Meron palang away roon ang mga Mexicano at black Americans.

"Pinagbabaril ng black Americans na nasa kotse ‘yung mga Mexicano. ‘Yung dalawang bala, isang dipa lang ang layo kay Ronnie.

"Biglang humarurot palayo ang kotse ng mga namaril.

"Natulala si Ronnie. Tiningnan niya kung may tama siya. Buti, wala.

"Saka siya nagtatakbo nang nangngingig. Pagdating sa hotel, nagtatawg siya. Ikinuwento niya sa akin ang nangyari.

"Nanginginig pa rin daw siya habang nagkukuwento sa akin.

"Kaloka! Nangyari ang barilan malapit sa school kung saan nagkaroon ng masaker noong Abril. Marami raw sniper doon. ‘Katakot!

"Na-shock ako sa kuwento ni Ronnie..."

Syanga pala, wala rin daw natamaan sa mga Mexicano. (JDO)

No comments:



Blog Archive

History

The History of the site:

This site was created during Dec. 30, 2006 (Philippine Time) known as "Kapamilya Pinoy Blogspot" at first but the author decided to change it to "TV Craze," on 5:06 a.m., February 12, 2008 (Philippine time). KPB still exists but it serves as a portal to this site for those who embraced its name. The name may have changed but the contents are still the same.
Powered By Blogger

Disclaimer

TV Craze is not affiliated and related to any network especially ABS-CBN Broadcasting Corporation & GMA Network Incorporated (Philippine TV) nor ABC, CBS, NBC, FOX, The CW and MNT (American TV Networks). This blog is only a site for TV Addicts and it provides informations.