TV Craze Chat


Current LOCATION of Publisher/Author: United States

Please use the ENGLISH language in the chatbox so that we can communicate with each other especially the visitors from around the world.


Get your own Chat Box! Go Large!

-----------------

Sunday, September 02, 2007

Joey and Willie.........ehem...

Abante-Tonite: September 1, 2007 Issue:

Ngayong 3:00 PM ang meeting ni Joey de Leon kay MTRCB Chairperson Consoliza Laguardia.

Nu’ng Biyernes ay ipinatawag ni Chairman Laguardia sina Joey at Willie Revillame sa MTRCB office para pag-usapin at ayusin ang alitan ng dalawa pero hindi nakasipot si Joey dahil may taping ito ng Takeshi’s Castle sa Makati.

Dapat ay pagkatapos ng Eat Bulaga ang nasabing meeting pero nang maurong ito ng 5:00 PM ay hindi na pumuwede si Joey kaya si Willie lang ang nakausap ni Chairman Laguardia nu’ng Biyernes.

Sa tanggapan ng MTRCB din ang closed-door meeting ni Joey kay Laguardia ngayong hapon dahil doon naganap ang meeting ng MTRCB chief kay Willie.

Nais daw ni Laguardia na wala nang media coverage ang pagkikita nila ni Joey pero mukhang malabo ‘yon dahil malamang may mga press na mag-aabang doon.

Sa Startalk nu’ng Sabado ay nabanggit ni Joey na hindi pa siya handang makipag-ayos kay Willie dahil hindi aniya pwedeng matapos siyang ‘saksakin’ nito ay bati na sila agad. Ayaw daw niyang magpakaplastik.

Sa show naman ni Willie ay humingi ito ng paumanhin sa pagiging emosyonal nito at sa kanyang mga nasabi sa telebisyon.

Matapos maglitanya at magngangawa nu’ng Miyerkules ay nahimasmasan na ang komedyante at idinaan pa nito sa kanta ang pagnanais na makipagbati sa ‘kaibigan’ na si Joey de Leon.

"Magbati na tayo,
aking kaibigan. Pasensiya ka na, nadala lang ng emosyon. Pero ikaw pa rin ang aking inspirasyon dahil ikaw ang tunay na institusyon. Eat Bulaga, kayo ang tunay na number one..." bahagi ng awiting ‘peace offering’ ni Willie kay Joey.

No comments:



Blog Archive

History

The History of the site:

This site was created during Dec. 30, 2006 (Philippine Time) known as "Kapamilya Pinoy Blogspot" at first but the author decided to change it to "TV Craze," on 5:06 a.m., February 12, 2008 (Philippine time). KPB still exists but it serves as a portal to this site for those who embraced its name. The name may have changed but the contents are still the same.
Powered By Blogger

Disclaimer

TV Craze is not affiliated and related to any network especially ABS-CBN Broadcasting Corporation & GMA Network Incorporated (Philippine TV) nor ABC, CBS, NBC, FOX, The CW and MNT (American TV Networks). This blog is only a site for TV Addicts and it provides informations.