TV Craze Chat


Current LOCATION of Publisher/Author: United States

Please use the ENGLISH language in the chatbox so that we can communicate with each other especially the visitors from around the world.


Get your own Chat Box! Go Large!

-----------------

Monday, October 15, 2007

PBBCE opens new doors!

Pinoy Big Brother" opens door to new batch of celebrity housemates


Maaga pa lang ay mahaba na ang pila sa labas ng Eviction Hall ng mga gustong manood para sa pagbubukas ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 kagabi, October 14.



Ang first Pinoy Dream Academy winner na si Yeng Constantino at si Eman Abatayo ang kumanta ng bagong theme song ng PBB bilang opening number sa red-carpet premiere.



Bumaba mula sa isang white limousine ang tatlong hosts ng PBB Celebrity Edition na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, at Mariel Rodriguez.



Bago ipinakilala ang mga bagong housemates ni Kuya, ipinakita muna ang bagong design ng Big Brother house.



Classical na may pagka-Renaissance ang tema ang design ng Bahay ni Kuya, para naman ma-feel at home ang mga celebrity sa kanilang glamorous surroundings, kahit nakakulong sila sa loob. Kung dati ay mahilig si Kuya sa solid colors para sa pintura ng dingding, ngayon ay may murals pa sa dining area at iba pang parte ng bahay. Animo'y museo ito na pinamumugaran ng mga paintings nina Sandro Boticelli, Leonardo Da Vinci, at Michaelangelo.



TWO-IN-ONE RULE. Bago pa lang magsimula ang programa ay nalaman na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sampung housemates lang muna mula sa 15 ang papasok sa Bahay ni Kuya last night. Pero may dalawang additional housemates si Kuya para sa bagong "two-in-one" rule, kaya lumalabas na 13 lamang ang bilang ng celebrity housemates na papasok sa loob ng Bahay Ni Kuya.



May dalawang housemates ang bibigyan ni Kuya ng ka-partner sa loob ng bahay na kapag napatawan ng penalty or pumasok sa nomination ang isa, automatic na ganun din ang mangyayari sa isa. Same thing, kapag nabigyan ng reward ang isa sa kanilang dalawa ay tatanggapin din ito ng partner nila.



Kasabay ng pagpakilala sa housemates ang corresponding foundation na tatanggap din ng kaparehong halaga ng makakuha nilang premyo.



THE HOUSEMATES. First of the eight housemates na ni-reveal ay ang "True Lover" na si Will Devaughn, isang German-Afro-American model; ang Brave Kids Foundation ang kanyang napili. Love brought Will to the Philippines. Sinundan niya rito ang model-girlfriend niya bagama't naghiwalay rin sila.



"That's all I need now: family and friends," sabi ni Will habang papasok sa Bahay ni Kuya.



Sumunod ang StarStruck graduate at dating taga-GMA-7 na si Megan Young, ang "Princess of Charm." Wala pang isang taon nang lumipat si Megan sa ABS-CBN, pero nakasama na agad siya sa Abt Ur Luv at Kokey. Ang Preda Foundation ang kanyang napiling charity.



"Desirable Diva" naman ang tawag ni Kuya sa dating Miss Earth-Canada na si Riza Santos, na gustong maging sundalo. Ang kanyang napiling charity ay ang Bantay Bata 163.



"[Ang] lola ko nung time ng World War II, she helped the Philippine and the American army in which she was recognized by the U.S. At yung Lolo ko, isang malaking fan ni General MacArthur. Mahilig din siya sa war movies," pahayag ni Riza.



Pang-apat na ipinakilala ang komedyante mula sa Davao City na si Ruben Gonzaga, ang "Komedyanteng Promdi." He works for ABS-CBN Davao at member ng Joke Squad. Nagpe-perform din siya sa mga comedy bars, acting like a "screaming faggot," pero hindi raw siya bakla. Ang Cosugian Home for The Aged sa Davao City ang napiling charity ni Ruben.



Panlima naman ang "Lonely Dream Boy" na si Victor Basa, na obviously hindi nag-perform kasama ang Cover Boys Plus sa ASAP ‘07 noong Linggo sa isang production number with Ara Mina. Unang nakilala si Victor bilang modelo hanggang mapasok sa ABS-CBN Star Magic. Regular siya sa Abt Ur Luv, Walang Kapalit, at bilang VJ sa MTV Time Out. Ang napili niyang charity ay ang Ahon Sa Kalye Ministries.



Pang-anim na pumasok sa bahay ni Kuya ang "Mom In Distress" na si Yayo Aguila, ang misis ng original Bagets member na si William Martinez. Kaya ang napili niyang charity ay ang BAGETS Foundation. Wala si William kagabi para samahan ang kanyang misis na ihatid sa Bahay ni Kuya, pero nasa audience naman ang kanyang mother-in-law.



Very touching ang sinabi ni Yayo sa interview at pag-amin sa mga naging problema niya kay William, gaya ng pambababae nito bukod sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi raw niya maipakita sa kanyang mga anak na umiiyak siya dahil kailangan niyang ipakita na malakas siya sa harap nila.



"Sabi ko noon, sana may pera na lang ako para matapos na lahat ng problema namin," lahad ni Yayo.



Ang pasaway na aktor na si Baron Geisler, na tinawag ni Kuya bilang "Wild Child," ang pampitong celebrity housemate. Ambition niya ang maging rock star, pero bata pa lang ay kinilala na ang pagiging mahusay na aktor ni Baron. Naging best actor siya noong 2005 sa Star Awards for Television para sa performance niya sa "Trolley" episode nila ni John Prats sa Maalaala Mo Kaya. Ang KIDS Foundation ng co-Star Magic artist niya na si Diether Ocampo ang napili ni Baron.



Naaliw ang audience noong ipinakilala na ang pang-walong celebrity housemate mula sa 26K na si Mary Laine Viernes, ang "Brainy Babe." With matching production number ng 26K mula sa Kapamilya Deal or No Deal habang naka-silhouette naman si Banker bago ipinakilala si Mary Laine. Siya ang spokesperson ng Advocates for Youth at ito rin ang pinili niyang institusyon.



Pagkatapos makapasok sa bahay ang walong housemates, ipinatawag ni Big Brother si Mary Laine para pumasok sa hall. Agad naman siyang sinamahan ni Baron. Ipinakuha ni Kuya ang isang malaking maleta kina Mary Laine at Baron at saka ipinasok sa living room upang buksan.



Doon bumulaga sa lahat, galing sa loob ng maleta, ang isa pang housemate na mula rin sa 26K—si Jen da Silva, ang "Despised Babe." Siya ang magiging 2-in-1 housemate ni Mary Laine.



Bukod sa babaeng 2-in-1 housemates, may isa ring male housemate si Kuya na makaka-2-in-1 naman ni Baron. Ito'y walang iba kundi ang kanyang older brother na si Donald David Geisler III. Naging consistent taekwondo gold and silver medalist siya sa 5th SEA Games, Asian Games, at Athens Olympics. Tinawag siyang "The Good Brother" ni Kuya at magiging 2-in-1 partner ni Baron.



Huli naming nakita si Donald sa opening ng isang shop sa mall. Sinamahan niya si Baron kung saan buong pagmamalaki ng aktor na lagi na siyang sasamahan ng kuya niya everywhere he goes. No wonder sinamahan din niya si Baron sa loob ng Bahay ni Kuya.



Pagkatapos ipakilala ang sampung housemates ni Kuya, in-announce ni Toni na hindi pa alam nina Baron, Donald, Jen, at Mary Laine ang tungkol sa 2-in-1 ruling sa PBB house. Ipapaalam daw ito ni Kuya sa kanila sa mga susunod na episodes.



ANDREW & ETHEL . Two days bago ang pagpapakilala ng celebrity housemates ay nakatanggap kami ng text from Andrew Wolff. Isa si Andrew sa sinasabing possible housemates ni Kuya. The next day ay nakita namin siya sa The Loop ng ABS-CBN na may kasamang non-showbiz girl, na obviously ay girlfriend niya ngayon.



From a source, nalaman namin na nag-audition si Andrew sa PBB. Pero hindi siya pumasa sa ilang tests na ginawa sa kanya, especially sa psychological exam. Lumabas sa exam ni Andrew na may tendency siyang maging masyadong pisikal, kaya delikado for the other housemates.



Out din ang comedienne na si Ethel Booba na papasok dapat noong Linggo. Alas-tres ng madaling-araw nang sunduin si Ethel ng PBB staff. Nasa labas na sila ng bahay at pasakay ng sasakyan upang ihatid sa Crowne Plaza Hotel nang magdesisyon siyang hindi na lang sasali sa PBB. Ayon sa naunang report ng PEP, ang dahilan ng kanyang pagba-backout ay ayaw niyang malayo sa kanyang boyfriend na si Janvier Daily.



Mula Lunes hanggang Biyernes, isa-isang ipapakilala ang natirang lima pang papasok sa Bahay ni Kuya para kumpletuhin ang listahan ng celebrity housemates.



At the end of the show, umapir ang sikat na character na si Kokey upang sindihan ang mga ilaw sa Christmas decoration na naka-display sa harap ng ABS-CBN main entrance sa Sct. Esguerra, sa lobby ng ELJ Building, at sa PBB house. Kasunod nito ang bonggang fireworks bilang pagsisimula ng selebrasyon para sa nalalapit na Kapaskuhan.


No comments:



Blog Archive

History

The History of the site:

This site was created during Dec. 30, 2006 (Philippine Time) known as "Kapamilya Pinoy Blogspot" at first but the author decided to change it to "TV Craze," on 5:06 a.m., February 12, 2008 (Philippine time). KPB still exists but it serves as a portal to this site for those who embraced its name. The name may have changed but the contents are still the same.
Powered By Blogger

Disclaimer

TV Craze is not affiliated and related to any network especially ABS-CBN Broadcasting Corporation & GMA Network Incorporated (Philippine TV) nor ABC, CBS, NBC, FOX, The CW and MNT (American TV Networks). This blog is only a site for TV Addicts and it provides informations.