Nationwide TV ratings, mahigpit ang labanan
Matatag pa rin ang Nationwide TV ratings performance ng GMA Network at papalapit na ito sa pagkuha sa kalamangan sa ABS-CBN.
Ayon sa AGB Nielsen NUTAM survey na itinala noong Pebrero 17-23, 2008, nananatiling tabla ang GMA at ABS-CBN pagdating sa total day people ratings.
Kapwa 7.8% ang naitala ng magkalabang istasyon.
Pagdating sa nationwide total day household ratings, 0.5% na lang ang lamang ng ABS-CBN noong Pebrero 17-23. Nakapagtala ang ABS-CBN ng 16.6% samantalang 16.1% ang naitala ng GMA.
Sa household audience share, bumaba ang kalamangan ng ABS-CBN mula 2.1% (Pebrero 10-16) sa 1.2% (Pebrero 17- 23).
Anim sa sampung nangungunang programa nationwide ay mula sa GMA. Ang Marimar (nina Marian Rivera at Dingdong Dantes) ang nanguna sa listahan.
Nasa ikalawa at ikaapat na puwesto ang Joaquin Bordado (ni Robin Padilla) at Kamandag (ni Richard Gutierrez). Pasok din ang Kapuso Mo, Jessica Soho, Bitoy’s Funniest Videos, at Kap’s Amazing Stories sa top 10 overall programs.
Sa Total Urban Luzon, patuloy ang pamamayagpag ng mga programa ng GMA ng unang anim na pwesto ay nakuha ng mga programang Kapuso.
Marimar, Joaquin Bordado at Kamandag ang tatlong nangungunang programa.
Hanggang sa North/Central Luzon, damang-dama ang ratings supremacy ng Siyete. Labinsyam sa 30 nangungunang programa ay mula pa rin sa GMA.
Okupado ng mga programa ng GMA ang unang sampung pwesto. Marimar, Joaquin Bordado at Kamandag pa rin ang tatlong nangungunang programa.
Nagkaroon din ng makabuluhang pagtaas ang ratings ng GMA maging sa South Luzon at Urban Mindanao.
Patuloy ang GMA sa pagpapalakas ng signal at pag-i-improve ng mga pasilidad nito sa mga probinsya lalo na sa Katimugang bahagi ng bansa.

1 comment:
ABSCBN Rocks here in north central luzon..
kahit sang panig naman ng pilipinas....di lang dito pati sa buong mundo..
duh?
kasinungalingang namamayagpag ang kapuso dito sa lugar namin..
ni konti nga lang nanunuod sa station nila dito samin kc naman daw napakahina ng signal..
huh?!
anung klase..
Post a Comment