TV Craze Chat


Current LOCATION of Publisher/Author: United States

Please use the ENGLISH language in the chatbox so that we can communicate with each other especially the visitors from around the world.


Get your own Chat Box! Go Large!

-----------------

Thursday, July 12, 2007

A Story that has never been told!

FROM MY E-MAIL INBOX


PLEASE READ THE STORY FIRST


Sometimes you think you know the people that are close to you..but beware. Please excuse the graphic nature of how this story is told but I believe it is necessary to highlight the important lesson within.

Huwag Po Itay....

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon nguni't maalinsangan ang simoy ng hangin. Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon. Narinig kong kumakatok si Itay sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya na kailangan daw naming mag-usap at humiling na papasukin siya. Binuksan ko ang pinto at siya'y kagyat na pumasok sa aking silid.

Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay, hinaplos-haplos niya ang aking buhok, ang aking mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi,sa aking mga labi. Napasigaw ako.

"ITAY, huwag, huwag! Ako'y inyong anak! Utang na loob, Itay!" Nguni't parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin.

Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo ang pinto at nagpipilit na ito'y buksan, "Hayop ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan".

Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay.

Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin ay ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang mag-make-up si Itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama. Bakla pala siya. Labis akong nagalak sa galing at husay ng aking ama. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at pareho kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.

Lovingly yours,

BADONG

Please scroll to see pictures.






















Meron pa sa ibaba...

Anong say nyo jan mga tita?
Di vah, bongga!


Wendy

******

NGEK!

1 comment:

Anonymous said...

infairness! ganda niya ha!

Blog Archive

History

The History of the site:

This site was created during Dec. 30, 2006 (Philippine Time) known as "Kapamilya Pinoy Blogspot" at first but the author decided to change it to "TV Craze," on 5:06 a.m., February 12, 2008 (Philippine time). KPB still exists but it serves as a portal to this site for those who embraced its name. The name may have changed but the contents are still the same.

Disclaimer

TV Craze is not affiliated and related to any network especially ABS-CBN Broadcasting Corporation & GMA Network Incorporated (Philippine TV) nor ABC, CBS, NBC, FOX, The CW and MNT (American TV Networks). This blog is only a site for TV Addicts and it provides informations.