FIRST READ ON PEP: Heart Evangelista now a Kapuso; signs 2-year exclusive contract
Eksaktong alas-kuwatro kaninang hapon, April 23, pumirma ng two-year exclusive contract si Heart Evangelista sa GMA-7. Ang contract signing ay naganap sa board room sa 16th floor ng GMA Network Center.
In full force upang batiin siya at maging saksi sa pagpirma ni Heart bilang isang Kapuso ang mga big boss ng Network—Atty. Felipe L. Gozon, Chairman, President & CEO; Mr. Gilberto Duavit R. Duavit, Jr., Executive Vice President & COO; Ms. Wilma V. Galvante, Senior Vice President for Entertainment; Atty. Annette Gozon-Abrogar, President of GMA Films; and lady executives Ms. Marivin Arayata, Ms. Redgie Acuña-Magno, and Ms. Lilibeth G. Rasonable.
Kasama naman ni Heart ang kanyang mga magulang, sina Rey Ongpauco at Cecilia Ongpauco, at si Annabelle Rama. Si Annabelle at ang ama ni Heart ang tumatayong co-managers sa pagpapalakad ng career ng young actress.
"Tunay nang Kapuso si Heart," sabi ni Atty. Gozon pagkatapos ng contract signing. "Ngayon ko lamang nalaman na ganito pala kaganda si Heart. Kung alam ko lang, noon ko pa siya kinumbinsi na lumipat dito. Yes, she's a prized possession ng ABS-CBN at natutuwa ako na pumayag na siyang lumipat dito sa GMA."
Sabi naman ni Mr. Duavit, "May positive effect sa GMA Network ang paglipat dito ni Heart. Naroon ang excitement na makakatulong kami sa lalong pag-unlad ng career ng isang mahusay na aktres na tulad ni Heart."
Ayon naman kay Ma'am Wilma, may two years nang sure projects si Heart sa GMA-7. Ang una niyang proyekto ay ang Asero na pagtatambalan nila ni Richard Gutierrez. May nakalaan na ring Sine Novela para sa kanya at isang adaptation ng isang Koreanovela.
Sa SOP, Sunday, April 27, magaganap ang formal welcome kay Heart bilang isang Kapuso.
STORY BEHIND THE TRANSFER. Si Annabelle ang nag-convince sa parents ni Heart na ilipat na nila sa GMA Network si Heart.
"Nang malaman kong wala na palang kontrata si Heart kay Angeli Pangilinan-Valenciano at sa Genesis Entertainment, kinausap ko na si Heart," kuwento ni Annabelle.
"Dalawang beses na akong nabigo na kunin si Heart, una sa Captain Barbell 'tapos sa Lupin. Pero nasa ABS-CBN pa siya kaya hindi puwede talaga. Kay Raymond [Gutierrez, Annabelle's son] ko nakuha ang number ni Heart kaya tinawagan ko siya na mag-lunch kami sa Serendra.
"Hindi talaga kami naghiwalay hanggang hindi siya pumayag sa offer ko. Sinabi ko sa kanya na ito na ang chance na magkatrabaho sila ni Richard at makasama ang iba pang artista sa GMA Network. Isang magandang career move ‘yon dahil wala na siyang contract sa ABS-CBN kaya wala na rin siyang ginagawa.
"Family friend naman namin ang family ni Heart, kaibigan ko ang daddy niyang si Rey at Mommy Cecilia niya. Kaya kinumbinsi ko na silang ilipat na sa GMA si Heart. Pumayag na sila, pero kinabukasan, nagbago ang isip nila. Pero pagkatapos, nag-usap-usap na naman sila at ipinadala na rin sa kanila ang draft ng contract para kung may gusto silang baguhin sa contract, mabago before the contract signing nga this afternoon.
"Pero nagsiguro pa rin ako," patuloy ni Annabelle. "Natakot akong baka hindi sila sa GMA pumunta. Naalala ko ang sabi ni Wilma na sigurado na raw ba, baka kami mapahiya, ang daming press na maghihintay sa contract signing. Kaya ang ginawa ko, sinamahan ko sila. Sa kotse nila ako sumakay papunta rito."
Hindi ba nahirapang mag-decide si Mr. Ongpauco na ilipat sa GMA Network si Heart?
"Nahirapan din," pag-amin ng ama ni Heart. "Dahil 13 years, doon na lumaki si Heart sa ABS-CBN. Pero career move din ito for Heart. Ang contract ng GMA is very tempting. Saka sino ba namang magulang ang hindi mag-iisip kung saan mapapabuti ang kanyang anak? Kaya naisip ko na kung mas mapapabuti si Heart sa kanila, bakit naman hindi?"
May nagtanong sa executives ng GMA-7 kung hindi raw ba magtatampo ang iba pa nilang talents sa pagpasok ni Heart sa Kapuso network.
Si Ma'am Wilma ang sumagot. Aniya, "Hindi naman. Lahat ng talents namin dito, nakakontrata kaya lahat sila binibigyan namin ng trabaho. Hindi namin sila puwedeng pabayaan."
Dahil sa paglipat ni Heart sa GMA-7, hindi kaya masabihan din siyang "ingrata" gaya ng mga naunang lumipat ng network?
Sagot ni Annabelle, "Hindi puwedeng sabihan na ingrata si Heart dahil matagal na siyang walang contract sa Star Magic at wala naman siyang project na ginagawa nang umalis siya. Maayos siyang nagpaalam kay Mr. Johnny Manahan.
"Ang masasabi ko lang kay Heart, tumamlay ang kanyang career dahil gumawa siya ng kasalanan sa kanyang magulang. Ganoon talaga ang nangyayari sa mga anak na naging suwail sa kanilang mga magulang. Kaya ngayon na bumalik na siya sa parents niya, gaganda na muli ang kanyang career lalo pa at narito na siya sa GMA Network," dire-diretsong pahayag ni Annabelle.
RICHARD'S RUMORED TRANSFER. Kinuha na rin ng entertainment press ang pagkakataon upang tanungin si Annabelle tungkol sa napabalitang ililipat na niya si Richard sa ABS-CBN.
"Totoong binalak ko ‘yon dahil ako, gustung-gusto ko talagang magkatambal sina Richard at KC Concepcion," pag-amin ni Annabelle. "Since hindi naman sila puwedeng magkasama dahil nasa ABS-CBN si KC, si Richard naman ay magtatapos na ang contract sa GMA-7, kaya puwede ko na siyang ilipat doon.
"Nag-usap-usap kaming buong pamilya, nagbotohan. Pero lahat sila ayaw palipatin si Richard. Loyalty ang pinagbasehan nila. Kahit si Ruffa, ayaw. Isipin ko raw ay ang career ni Richard na ang ganda-ganda sa GMA-7, 'tapos kung ililipat ko sa kabila, baka after one project, buburuhin na siya doon.
"Pinag-usapan na rin ang possibility na pagtatambal sa movie nina Richard at KC. Kinausap ko si Annette kung pwedeng ipahiram ng GMA Films si Richard sa Star Cinema, pero hindi siya pumayag dahil exclusive ang contract ni Richard sa kanila. Kaya hihintayin ko na lang kung magiging maayos ang pag-uusap nina Annette at Malou Santos ng Star Cinema.
"Kung pumayag ang GMA-7, noon pang 2004 kinukuha ng ABS-CBN si Richard para makasama sa Hiram nina Kris Aquino, Anne Curtis, at Heart. Pero hindi pumayag sina Atty. Gozon at Mr. Duavit," lahad ng ina ni Richard.
Dagdag ni Ma'am Wilma, "At ibinigay namin kay Richard ang Mulawin. At doon na nagsimula ang paglipad ng career ni Richard. Ngayon, matutupad na ang pagtatambal nina Richard at Heart sa Asero."
Sa May 5 ang simula ng taping ng Asero.

No comments:
Post a Comment