PEP.ph:
Anne Curtis uncomfortable being object of men's fantasies
Nonie Nicasio
Wednesday, April 23, 2008
01:50 PM
Itinuturing ni Anne Curtis na biggest project niya ang pelikulang When Love Begins ng Star Cinema, na ipalalabas na sa April 30. Ito ang first tandem nila ng dream leading man niyang si Aga Muhlach. Sinabi pa ng young actress na isa itong feel-good movie tiyak na maiibigan ng moviegoers.
Tungkol sa kanyang leading man, inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Anne kung sexy ba si Aga para sa kanya.
"Hot siya, hot si Aga!" bulalas ni Anne.
Para sa young actress, kung ire-rate niya ang kaseksihan ng aktor, kartada otso raw ito. "Well, lalo na ngayong pumapayat si Aga, mga 8 ang rate ko para sa kanya."
Pero sakaling binata si Aga, posible bang ma-in love si Anne sa kanya considering yung age difference nila? Aga is 38 while Anne is 23.
"Oo, kasi he knows how to treat a lady, e," diretsang sagot ng dalaga. "Age was never an issue to me. Yung ex-boyfriend kong si Pao [Paolo Araneta] was 10 years older than me, so hindi issue ‘yon. My parents, 17 years ang gap nila, e, so, no problem naman pagdating sa age."
OBJECT OF DESIRE. Sa ipinakitang kaseksihan ni Anne sa pelikula nila ni Aga, tiyak na nadagdagan ang boys na nagpapantasya sa kanya. Ano ang comment niya rito?
"I'm hot?" humahagikgik niyang sagot na tila parang kinikilig.
"Flattering siya, I guess. Pero kung pinagpapantasyahan? Ay, huwag namang ganoon," biglang bawi niya nang ma-realize na baka may ibang connotation kapag pinagpapantasyahan ng mga lalaki ang isang aktres.
"Huwag namang pinagpapantasyahan. I mean, it's different when you compliment someone, huwag naman yung pinagpapantasyahan. Ayoko naman ng ganoon. I mean, it's different when you compliment someone for their beauty or their body. Pero huwag naman in a way that they're fantasizing about you in a disrespectful way."
Pagdating naman sa kanyang best asset, physically, tila hindi komportable si Anne na pag-usapan ito.
"Hindi ko alam, hindi ko naman tinitingnan ‘yon," sabi niya. "I hope my asset is my personality and the way I carry myrself. Kasi I think that exudes more sexiness, e. Paano nga kung may katawan ka, pero yung self-esteem mo naman nakaka... Di ba, you won't have that same ano, e, yung parang dating mo. Pero yung unang napapansin sa akin ng boys, yung lips ko raw."
Kapag may nag-offer sa kanya ng sexy movie na maganda talaga at hindi bastos, tatanggapin kaya niya?
"I think this [When Love Begins] is a sexy story... Parang yung Hihintayin Kita Sa Langit [movie of Richard Gomez and Dawn Zulueta], yung ganoon. Okey lang kung may offer na sexy, if it's worth it na parang I know it will be something I'd be proud of, and not something na ginawa ko, you know, yung ginawa mo na when the time comes, hindi ka magiging proud of it. So okay lang kung may ofer na ganoong project, basta depende sa project, e," paliwanag niya.
SEXY ANNE. Dahil sa kaseksihan niya rin sa movie nila ni Aga, posibleng ang maging impression nito sa marami ay kaya niyang bigyan ng matinding kumpetisyon ang ibang young sexy stars. Ano ang komento niya rito?
"I don't want to think I'm competing in that way," sagot niya. "Kasi ako naman, my image is not to compete in terms of sexiness. It's more acting and it just so happened na yung role ko, sometimes has to exude that sexiness. Pero hindi yun ‘yong forte ko talaga. I guess, hindi naman ako talaga nasa ganoong forte."
Hindi pa nagpo-pose sa FHM si Anne, kahit na may offer sa kanya ang leading men's magazine ng bansa. Sinabi ng aktres ang rason niya rito.
"The reason why I don't want to do FHM or Maxim even if they've been offering. Like with FHM, parang I remember before they were saying na I can choose my own outfit para maging kumportable ako na hindi siya revealing. But it's also kasi the content lang ng magazine," paliwanag niya.
Kahit maraming young stars ang pumapayag mag-pose sa mga men's magazine, nilinaw ni Anne na hindi siya kontra rito.
"Yeah, lahat naman may sariling convictions and opinions pagdating sa ganoon. It's just that ‘yon yung sa akin. And I'm not saying it's wrong. If you're confident and you want to do it, why not, di ba? I mean, it's your life and if you don't care naman, e, di why not?
"Ako, hindi lang talaga kumportable, e. I have friends like barkada, who did FHM and the photographer who took her pictures is my barkada also. I have nothing against it, it's just that hindi lang talaga ako komportable. But I'm still grateful to them. Sa FHM kasi, I'm still part of their 100 Sexiest, e," nakangiting saad ni Anne.
BIKINI & T-BACK. Sa ilang publicity photos nila ni Aga sa When Love Begins ay naka-two piece siya. Hindi ba ito naiiba sa pagpu-pose ng sexy sa men's magazines?
"It's a movie and it's different from a men's magazine," paglilinaw ni Anne. "For me, I'll wear two-piece bikini sa movies, TV shows... Kung kinakailangan, I'll wear bikini sa mga photo shoots sa magazine, if it's a fashion magazine. But for a men's magazine or anything like sexy calendar, siguro no more na. I mean, it's not part of me anymore. Dumaan naman ako sa stage na gusto ko."
Is she comfortable wearing T-backs?
"Iyong Brazilian T-backs? Hindi ko kaya yun!" patili niyang reaksiyon habang nangingiti. "Hindi ko kaya, I'm so shy. I mean if I have the confidence, why not? Pero hindi ko kaya ang ganoon, shy talaga ako.
"Iyong eksena naman ni Aga sa beach, ‘yong cut na ganoon, I guess okay lang ‘yon. Pero hindi ko kaya yung thong, parang mahihiya naman ako kapag ganoon ang suot ko. I'm shy!" natatawa niyang sabi habang tinatakpan ang kanyang mukha ng mga kamay niya.
Kahit na ang ganda-ganda ng rehistro ng butt niya sa trailer ng movie nila ni Aga, inulit ni Anne na hindi raw talaga niya kaya ang magsuot ng thong.
"Hindi ko kaya talagang magsuot ng thong, I'm shy talaga. Pero okay sa akin ang mga ganoon, carry ko naman kapag ganoong bikini. Iyong suot ko sa movie, hindi siya Brazilian... I don't know what you call those cut. Hindi pa naman labas yung kalahati ng pisngi, one-third lang ng cheek ng butt. Pero okay lang sa akin ‘yon. I mean, I'm a beach bum naman, kaya carry na sa akin ‘yong swimsuits.
"And ako, kapag may movie na kailangang mag-swimsuit, gusto ko laging bago. Ayoko ng nagre-repeat ng swimsuits, e," pagtatapos ng Fil-Australian actress.
No comments:
Post a Comment