TV Craze Chat


Current LOCATION of Publisher/Author: United States

Please use the ENGLISH language in the chatbox so that we can communicate with each other especially the visitors from around the world.


Get your own Chat Box! Go Large!

-----------------

Wednesday, June 06, 2007

Kay Jennelylyn muna tayo ngayon!

Totoong nagkasakit si Jennylyn Mercado at hindi siya nagsakit-sakitan lang para hindi makapunta sa presscon at shooting ng Tiyanaks nu’ng Linggo.

Paliwanag sa amin ni Jen kamakalawa sa opisina ng Eagle Eye Productions sa Commonwealth Av., QC, nu’ng Biyernes nagsimulang sumama ang pakiramdam niya nang maambunan siya sa Dagupan.

Pagkatapos ng Tiyanaks shooting niya nang 4:00 AM nu’ng Biyernes ay diretso raw siya ng Dagupan para sa isang show. Pagdating doon ay iba na ang itsura niya, maga na ang lalamunan at namumula ang mga mata.

May sakit na raw siya nu’ng Sabado kaya hindi siya nakapag-report sa SOP kinabukasan at dahil doon ay hindi rin siya nakasipot sa Tiyanaks presscon.

Plano niya raw sanang pumunta sa shooting ng Tiyanaks nu’ng Sunday night kahit wala siyang boses at masama ang itsura niya pero sinabihan siya ng manager niya at ni Direk Mark Reyes na magpahinga na lang.

Kahit nu’ng mga naunang shooting days daw nila sa Tiyanaks ay inuubo’t sinisipon na siya kaya panay lang ang tulog niya sa kotse ‘pag wala siyang eksena.

Hindi alam ni Jen kung bakit palagi siyang nagkakasakit eh, araw-araw naman daw siyang umiinom ng vitamins.

Nilinaw niya na walang dahilan para iwasan niya ang ex-boyfriend niyang si Mark Herras, talaga lang daw nagkasakit siya at hindi kinaya ng katawan niya.

source: http://www.abante-tonite.com/issue/june0707/main.htm

No comments:

Blog Archive

History

The History of the site:

This site was created during Dec. 30, 2006 (Philippine Time) known as "Kapamilya Pinoy Blogspot" at first but the author decided to change it to "TV Craze," on 5:06 a.m., February 12, 2008 (Philippine time). KPB still exists but it serves as a portal to this site for those who embraced its name. The name may have changed but the contents are still the same.

Disclaimer

TV Craze is not affiliated and related to any network especially ABS-CBN Broadcasting Corporation & GMA Network Incorporated (Philippine TV) nor ABC, CBS, NBC, FOX, The CW and MNT (American TV Networks). This blog is only a site for TV Addicts and it provides informations.