TV Craze Chat


Current LOCATION of Publisher/Author: United States

Please use the ENGLISH language in the chatbox so that we can communicate with each other especially the visitors from around the world.


Get your own Chat Box! Go Large!

-----------------

Saturday, June 09, 2007

Showbizzzzzz

ENTERTAINMENT

'Piolo Pascual siya...
Judy Ann Santos lang ako!'

Hindi sigurado si Judy Ann Santos kung makakapag-promote si Jolina Magdangal sa ABS-CBN ng pelikula nilang Ouija na pinrodyus ng GMA Films.

"Hindi ko alam. Kasi ako rin, hindi ako makakapag-promote ng Ouija rito sa ABS, eh!" dayalog sa amin ni Juday.

Naitanong namin ‘yon kay Juday dahil akala namin ay papayagang mag-promote si Jolens sa ABS-CBN tulad ng pagpayag ng GMA na mag-promote sa kanila si Piolo Pascual ng movie nito with Regine Velasquez na pinrodyus ng Star Cinema.

Tapos, maging siya pala ay hindi niya maipo-promote ang Ouija sa Dos?
"Well, different case ‘yon, eh! Piolo Pascual siya, Judy Ann Santos lang ako! Sino ba naman ako? Ha! Ha! Ha!" may pagka-sarcastic na sagot ni Juday, na dinaan na lang sa pagtawa.

Mas maganda sana kung papayagan din silang mag-promote ng Dos kahit Siyete ang may gawa ng pelikula nila, ‘di ba?

"Sana! Para maging umpisa na rin sana na pwedeng tumawid-tawid (ng network) ang mga talent. Pero mukhang hindi ‘yon mangyayari.

"I hope pumayag sila (ABS). Pero kung hindi naman, maiintindihan ko at nirerespeto ko kung anuman ang magiging desisyon nila sa pelikula ko sa GMA.

"Pero ako, kasama sa usapan, kasama sa kontratang pinirmahan ko ‘yon na kailangan akong mag-promote sa GMA. And ABS knows that and they respect it, in fairness sa kanila," sey pa ni Juday.

Siyanga pala, ang sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo na Sakal, Sakali, Saklolo (Star Cinema) ay pasok na bilang filmfest entry.

Hindi sure ni Juday kung kelan nila gagawin ni Ryan ang pelikula nilang Through the Years sa Regal Entertainment.

Basta ang napag-usapan daw, it’s either before the filmfest o after the filmfest nila gagawin ang Regal project.

source:
http://www.abante-tonite.com/issue/june0907/main.htm

No comments:

Blog Archive

History

The History of the site:

This site was created during Dec. 30, 2006 (Philippine Time) known as "Kapamilya Pinoy Blogspot" at first but the author decided to change it to "TV Craze," on 5:06 a.m., February 12, 2008 (Philippine time). KPB still exists but it serves as a portal to this site for those who embraced its name. The name may have changed but the contents are still the same.

Disclaimer

TV Craze is not affiliated and related to any network especially ABS-CBN Broadcasting Corporation & GMA Network Incorporated (Philippine TV) nor ABC, CBS, NBC, FOX, The CW and MNT (American TV Networks). This blog is only a site for TV Addicts and it provides informations.