TV Craze Chat


Current LOCATION of Publisher/Author: United States

Please use the ENGLISH language in the chatbox so that we can communicate with each other especially the visitors from around the world.


Get your own Chat Box! Go Large!

-----------------

Sunday, September 09, 2007

Annabel Rama is still a boiling kettle!

source:
http://www.pep.ph/news/14710/Annabelle-Rama-on-Yilmaz-Bektas:-%22Hindi-ko-siya-kayang-patawarin.%22


Nag-iinit pa rin ang controversial mother ni Ruffa Gutierrez na si Annabelle Rama sa The Buzz kahapon, September 9, sa Turkish husband ng kanyang anak na si Yilmaz Bektas, na naging dahilan din ng panibagong tampuhan ng mag-ina.

Nakaalis ng bansa si Yilmaz nang hindi sila nagkita at nagkausap ng kanyang mother-in-law. Ni hindi rin daw sumubok si Yilmaz na kausapin si Annabelle.

"Wala namang subok. Wala naman ding ano. Kapag sumubok siya, ayoko rin naman talaga. Pero never naman siyang nag-try. Umalis si Yilmaz tuwang-tuwa ako. Nawala lahat mga tinik ko sa dibdib, sa puso ko at nakikita ko naman na... Nalungkot ako at the same time kasi ang mga apo ko, parang nalungkot sila umalis ang tatay nila. Talagang mahal na mahal ng mga apo ko ang tatay nila," pahayag ni Annabelle sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, na katabi rin that time si Ruffa na co-host ng The Buzz.

Nakatakda diumanong bumalik ng Pilipinas si Yilmaz sa selebrasyon ng ikatlong taong kaarawan ng bunso nila ni Ruffa na si Venice sa Martes, September 11.

"Pag bumalik siya hindi ako a-attend sa birthday ni Venice," banta ni Annabelle. "E, di mag-lunch na lang kami o mag-dinner kasama ang mga bata. Mag-shopping na lang kami.

"Pero hindi ko kayang humarap sa kanya [Yilmaz]. Baka hindi ako makapagpigil mamura-mura ko siya ng baluktot na English. Kasi baluktot naman siyang mag-English kaya magkaintindihan kaming dalawa," patawa pa ng ina ni Ruffa.

NOT YET READY TO FORGIVE. Diretsahan ding inamin ni Annabelle sa harap ni Ruffa na at this point ay hindi niya kayang patawarin si Yilmaz.

"Hindi ko siya kayang patawarin kasi hindi siya magaling na tao, e. Masama siyang tao. Hindi siya dapat para kay Ruffa," prangkang pahayag ni Annabelle.

"Lahat ng tao nanood ng TV kinikilig, kinikilig. Ako, hindi ako kinikilig. Nagmumura ako kapag nakita ko sila sa TV magkasama silang dalawa ni Ruffa. Si Ruffa pahampas-hampas pa [kay Yilmaz] kaya lalo akong nabubuwisit! Hahampas-hampas ganyan, sweetie-sweetie. Lalo akong nabubuwisit kapag nanonood ako ng TV kasi hindi ‘yan ang totoo, e. Ang totoo hindi ganyan.

"Kaya Ruffa, magsabi ka ng totoo kung ano talagang tao si Yilmaz," direktang turan ni Annabelle sa anak. "Hangga't nandiyan pa ang pagseselos ni Yilmaz, hindi magbabago ang kanyang ugali. Salbahe naman talaga ‘yan [Yilmaz], e. Mabait lang siya sa kung mabait, pero once na magselos si Yilmaz, yung mga sungay naglalabasan lahat. Ang sama-sama talaga niya pag nagagalit."

TELL THE TRUTH. Nais sana ni Anabelle na mismong si Ruffa ang sumagot sa tanong ni Boy kung sinaktan ulit siya ni Yilmaz pagkatapos ng huling pananakit na ginawa sa kanya sa Turkey, pero nanatiling tahimik lang ang dating Miss World 2nd Princess.

"She has to tell the truth sa harap ng lahat ng mga tao," sabi ni Annabelle. "Huwag na siyang magdrama-drama. Huwag na siyang mag-ano, huwag na niyang kampihan ang lalaking ‘yon! Alam ko mahal niya, pero sabi ko sa kanya, ‘[Ang] pagmamahal na ‘yan, Ruffa, fake lang ‘yan, e. Kasi kung mahal ka talaga ng isang lalaki, dapat mamahalin ka kung ano ka.'

"Kasi pati pag suot niya [Ruffa] ng ganyang kaiksi, naka-micromini siya, nagwawala ‘yon [Yilmaz]. Mura siya nang mura. Kung ano ang pinagbabasag niya sa kuwarto. Puwede ba yung ganun? Artista si Ruffa, di ba?

"Dapat naintindihan niya pagdating sa isang tao, maski ano ang susuutin ni Ruffa. Hindi naman bastos yung susuutin niya, e. Naka-micromini lang tapos naka-ganyan gaya ng suot niya ngayon na kita halos yung dibdib niya, nagwawala na ‘yon. Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa kanya [Ruffa] nung gabing umuwi siya galing ng The Buzz," pagsisiwalat ni Annabelle.

Mabilis ding kumalat ang isyu na ilang araw na raw hindi nagkakausap sina Yilmaz at Ruffa.

"Sabi ko sa kanya [Ruffa], ‘Naku, sinagot ako ng Sto. NiƱo na makakita siya [Yilmaz] ng ibang babae.' Na-ma-in love na siya talaga para makalimutan na niya talaga si Ruffa. Sabi ni Ruffa, ‘Baka kinulam mo, Mommy?' Kasama na rin doon ang kulam!" biro ng palabang ina.

Ayaw namang sumagot si Ruffa sa panawagan ng kanyang ina na magsalita kung ano ang iniwan sa kanya ni Yilmaz bago umalis ng Pilipinas.

"Just tell the truth, Ruffa," pagkukumbinsi pa ni Annabelle sa anak. "Walang masama kung magsasabi ka ng totoo. Kasi pag-alis ni Yilmaz, akala ng lahat magkabalikan kayo, sweet na sweet kayo. Hindi totoo lahat-lahat ‘yan. Hindi naman kayo sweet, e. Sweet lang kayo dalawang araw, kasunod nun wala na.

"Tsaka umalis na siya may ibinigay sa ‘yong ano si Yilmaz. Magsabi ka ng totoo, ‘Day! Na hindi mo makakalimutan. Kung papatawarin mo pa siya, luka-luka ka na Ruffa talaga. Maniwala ka sa akin, kapag bumalik siya dito at entertainin mo pa siya Ruffa, ewan ko. Su-surrender na ako sa ‘yo, Day! Kasi nakita ko ang totoong pagkatao ni Yilmaz," diin pa ni Anabelle.

Hindi man binanggit ni Annabelle nang diretsahan kung ano ang iniwan ni Yilmaz kay Ruffa, marami ang naniniwala na may kinalaman ito sa naisiwalat na noon ng actress-TV host na pananakit ng asawa.

MOTHER KNOWS BEST. Very vocal din si Annabelle sa pagsasabi na hindi siya nakikialam sa lovelife hindi lang ni Ruffa kundi pati na ng iba pang niyang mga anak na lalaki.

"Advise lang tayo, okay?" paglilinaw niya. "Matanda na ako, matanda na rin naman sila [mga anak niya]. Siyempre minsan ang tao nakakalimutan nila ang sarili nila. Kailangan nandiyan lang tayo, nandiyan lang ako para magpaalala, mag-advise.

"Laging sinasabi ni Ruffa sa akin matanda na raw siya. Huwag siyang pakialaman. Alam ko matanda na siya, pero paminsan-minsan dapat pakialaman ko naman siya. kasi minsan, nakakalimutan naman niya yung dapat at di dapat gawin.

"Kaya ang sabi ko sa kanya, ‘Huwag kang magalit sa akin, Ruffa, kung ako nakikialam sa ‘yo.' Siyempre, advise lang ako, di ba? May dalawa kang anak, hindi ko ma-imagine pag namatay ako kung ano ang mangyayari kay Ruffa, kay Richard, kay Raymond. Siyempre, until now, nandiyan pa rin ako sa kanila, di ba?

"Kaya lagi ko silang ginaganun para habang buhay pa ako... Sabi ko nga kay Richard, habang buhay pa ako, pakinggan ninyo ako kasi ang nanay laging tama. Kapag ako mamatay sa mundong ‘to, bahala na kayo kung ano ang gagawin ninyo. Wala na akong pakialam, di ba?" paliwanag ni Annabelle.


No comments:

Blog Archive

History

The History of the site:

This site was created during Dec. 30, 2006 (Philippine Time) known as "Kapamilya Pinoy Blogspot" at first but the author decided to change it to "TV Craze," on 5:06 a.m., February 12, 2008 (Philippine time). KPB still exists but it serves as a portal to this site for those who embraced its name. The name may have changed but the contents are still the same.

Disclaimer

TV Craze is not affiliated and related to any network especially ABS-CBN Broadcasting Corporation & GMA Network Incorporated (Philippine TV) nor ABC, CBS, NBC, FOX, The CW and MNT (American TV Networks). This blog is only a site for TV Addicts and it provides informations.