TV Craze Chat


Current LOCATION of Publisher/Author: United States

Please use the ENGLISH language in the chatbox so that we can communicate with each other especially the visitors from around the world.


Get your own Chat Box! Go Large!

-----------------

Friday, April 25, 2008

Richard Gutierrez not leaving GMA Network


FIRST READ ON PEP: Richard Gutierrez never considered leaving GMA-7
Nitz Miralles
Friday, April 25, 2008
07:21 PM (Philippine Time)

Nag-renew ng kontrata sa GMA Network si Richard Gutierrez kaninang ala-una ng hapon, April 25. Present sa contract signing ang top GMA executives na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, at Ms. Wilma Galvante. Kasama naman ni Richard ang kanyang ina na si Annabelle Rama, na siya ring tumatayong manager niya.

Two-year guaranteed contract ang pinirmahan ni Richard. Ang una niyang project sa bagong kontrata niya ay ang Asero na ang pilot week ay kukunan sa sa Dubai, U.A.E. Sa first and second week ng May magsu-shoot si Direk Mark Reyes para hindi nila maabutan ang sobrang init na klima ng U.A.E. na nangyayari sa third week ng May.

Bukod kay Heart Evangelista na isa sa leading ladies ni Richard, kasama rin sa cast sina Richard Gomez, Janno Gibbs, Michael V., Ehra Madrigal, Rhian Ramos, at Bubbles Paraiso. Siguradong marami pang papasok na characters habang tumatakbo ang istorya ng Asero.

STILL A KAPUSO. Four years nang Kapuso si Richard at maganda ang sagot nito sa tanong kung bakit mas pinili niyang manatili sa GMA-7.

"Para tayong nasa senado nito," natatawang panimula ni Richard, na kahit puyat sa magdamagang taping ng finale ng Kamandag ay guwapo pa rin.

"Honestly, I can't see myself working with any other bosses than my bosses here in GMA. I'm blessed, I have the best bosses here. I can't see myself working in any other camp. Hindi lang business dito, this is more of a family. Matagal na ako rito, this is my family at napamahal na sila sa akin, from my bosses to the production staff."

Inisip ba niyang lumipat sa ABS-CBN? Inamin kasi ng ina ni Richard na si Annabelle Rama, na pinag-isipan niyang ilipat anak para makatambal nito si KC Concepcion na isang Kapamilya. Pero nang magbotohan daw silang buong pamilya, lahat sila ay tumutol na lisanin ni Richard ang GMA-7.

"Nagising na lang ako isang umaga na may isyu nang ganun. I was the last one to know. Honestly, hindi dumapo sa isip ko ‘yan. Tinawagan nga ako ni Raymond [Gutierrez, his twin brother] at nagtanong if I've read the newspaper at sabi ko, hindi," kuwento ng young actor.

Agad tinapos ni Richard ang isyung paglipat niya sa ABS-CBN at excited na nagkuwento sa Asero.

"Action-packed ito and something fresh for me to be working with Heart [Evangelista]. Fresh sa audience ang tambalan namin and I'm looking forward working with her. That's why I'm very excited," saad niya.

Si Richard na rin ang sumagot kung bakit sa Dubai nila piniling i-shoot ang pilot week ng Asero.

"We wanted something visually stunning and different. Why Dubai? Because of the desert dunes and it is something to see it on screen," paliwanag niya.

Bukod sa Asero, nabanggit ni Ms. Wilma ang Captain Barbell Meets Darna at isang Koreanovela sa mga gagawin ni Richard. Up to year 2010, planado na raw ang mga gagawin ng young actor.

Ibinalita rin ni Ms. Wilma na idinagdag sa naka-lineup na projects ni Richard ang paggawa ng documentary for GMA News & Public Affairs, gaya ng Signos.

"I'm so happy sa feedback ng Signos, it's a new venture for me at isa yun sa project na hindi ko makakalimutan," sabi ni Richard. "Thankful ako sa GMA News & Public Affairs for the opportunity of being part of the documentary. For the new contract, I'm doing an environmental documentary at every year kong gagawin ito."

HEART EVANGELISTA. Nabanggit ni Richard sa PEP na hindi pa sila uli nagkikita ni Heart. The last time they met was two years ago. Kaya excited ang young actor na makita ang bago niyang leading lady at mangyayari ito sa storycon ng Asero na malapit na.

Sa billboards nila sa SM Megamall muna sila nagkikita, dahil katabi ng Bench billboard ni Richard ang Sunsilk billboard ni Heart. Kapansin-pansin din ang pagkakalagay na parang nakatingin ang young actor sa young actress.

Biniro ng PEP si Richard kung dapat bang ma-threaten sa kanya ang boyfriend ni Heart na si Jericho Rosales. Kahit nilinaw na ni Heart na sila pa rin ng actor, may mga tsismis pa rin kasing lumalabas na break na silang dalawa.

"Sinasabi ko naman na ‘di ako nang-aagaw ng girlfriend," sagot niya.

Paano kung ma-in love sa kanya si Heart?

"Wala tayong magagawa, basta hindi ako nang-aagaw," ganting biro ni Richard.

No comments:

Blog Archive

History

The History of the site:

This site was created during Dec. 30, 2006 (Philippine Time) known as "Kapamilya Pinoy Blogspot" at first but the author decided to change it to "TV Craze," on 5:06 a.m., February 12, 2008 (Philippine time). KPB still exists but it serves as a portal to this site for those who embraced its name. The name may have changed but the contents are still the same.

Disclaimer

TV Craze is not affiliated and related to any network especially ABS-CBN Broadcasting Corporation & GMA Network Incorporated (Philippine TV) nor ABC, CBS, NBC, FOX, The CW and MNT (American TV Networks). This blog is only a site for TV Addicts and it provides informations.