TV Craze Chat


Current LOCATION of Publisher/Author: United States

Please use the ENGLISH language in the chatbox so that we can communicate with each other especially the visitors from around the world.


Get your own Chat Box! Go Large!

-----------------

Saturday, May 24, 2008

Marian Speaks Up About Video Scandal

Here's the video then the article below it.



FIRST READ ON PEP: Marian Rivera airs her side about YouTube video

Nitz Miralles

Friday, May 23, 2008
05:36 PM

Isa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pinadalhan ng isang nagngangalang Lawrence Marbeda (hindi namin tiyak kung tunay niyang pangalan ito) ng link sa YouTube ng video na tinawag niyang "Pagmumura at Pagwawala sa shooting ng Dyesebel." Under "Marian Scandal" sa YouTube ang video na kuha sa taping (hindi shooting gaya ng nakasaad sa email) ng Dyesebel sa Subic a few weeks ago.

Sa nasabing video, makikitang galit si Marian at mukhang may kaaway at may isa pang video na makikita ang isang lalakeng paulit-ulit na sinampal ng hindi nakikitang tao at kamay lang nito ang visible. Pinapalabas na si Marian ang nanampal sa nasabing lalake.

May kasamang transcript ng palitan ng salita nila Marian at ng lalake ang ipinadalang e-mail sa amin, pero hindi ang buong video. Kumbaga, pinili lang ni Mr. Marbeda ang isinama sa transcript.

Tamang-tama namang naimbitahan ang PEP sa taping ng Dyesebel sa Loyola Grand Villas sa Quezon City kahapon, May 22, kaya sumugod kami sa location, na sa teleserye'y palalabasing bahay nina Don Juan (Ricky Davao) at Fredo (Dingdong Dantes).

Para hindi mabigla, ibinulong muna ng PEP kay Marian ang bagong isyu sa kanya na kumakalat sa Internet at naka-post sa YouTube. Alam na pala ng young actress na may naka-post siyang video sa YouTube, pero hindi pa raw niya napapanood. Nag-text siya sa mga kamag-anak at close friends na panoorin iyon at i-text sa kanya ang kanilang feedback.

MARIAN SPEAKS UP. Ipinakuwento na rin ng PEP kay Marian ang buong pangyayari para marinig naman ang side niya. Humingi ng ilang minuto ang young actress sa staff ng Dyesebel para ikuwento ang side niya.

"Ganito yun," simula niya. "Nasa set kami sa Subic. Alam ng lahat na bawal ang mag-video lalo na kung hindi pa umeere ang episode. Nakita ko siyang [yung lalake sa YouTube] kumukuha ng video at biniro ko ng ‘Kuya, nagbi-video kayo, bawal ‘yan.' Ang sagot ba naman, ‘Bakit, ikaw ba ang bini-video ko?' Pakialam ko raw. Pabalang ang sagot at nagulat ako, nagkasagutan kaming dalawa.

"Tinanong ko kung staff siya. Taga-processing daw siya. Nagulat ako, bakit ganun ang reaction niya sa akin. Kahit payat at maliit ako, hindi ako papayag apihin. CaviteƱa ako, lalaban ako! Walang nang-aapi sa akin!" lahad ni Marian.

Pinuna ni Mr. Marbeda sa ipinadala niyang email sa amin na sumisigaw si Marian sa video. Pati raw ang personal assistant (PA) at staff ng Dyesebel ay sinisigawan din ng young actress. May paliwanag din si Marian dito.

Aniya, "Alam n'yo, malakas talaga akong magsalita at hindi na bago sa staff yun. Wala akong sinisigawang PA, dahil that day na nagte-taping kami sa Subic, wala akong PA, nag-resign siya dahil buntis. Bago ang PA ko ngayon, two days pa lang sa akin at medyo may edad na ang kinuha ko para hindi magbuntis."

Sinegundahan ng direktor ng Dyesebel na si Joyce Bernal ang mga sinabi ni Marian na wala kasamang PA o alalay ang young actress that fateful day, dahil buntis nga ang PA nito.

Itinanong din ng PEP kay Marian ang video ng nakasagutan niyang lalake na paulit-ulit na sinasampal, pero hindi nakita kung sino ang sumampal at kamay lang ng nanampal ang nakita. Pinapalabas na si Marian ang nanampal sa lalake.

"Wala akong sinampal, wala akong sinaktan," mariing sabi ni Marian. "Ni hindi ko nga siya hinawakan, nagkasagutan lang kami. Inawat na kami ng staff. Dapat hinamon ko na lang siya ng suntukan!"

Feeling ba niya frame-up ang nangyari? Bakit may nag-video ng nangyari at bakit edited?

"Bahala na sila," sabi niya. "Ang importante sa akin, hindi ako nag-power trip. Okey lang siraan at pintasan nila ako, tanggap ko lahat na kaparte ng trabaho ko ito. Dapat masanay na ako, dahil lahat na lang ng kilos ko... Tinatanong ko lang ang manager ko [Popoy Caritativo], kung bakit ayaw akong tantanan. Ganun din ang sinasabi niya, na bahagi ito ng showbiz at kailangan kong masanay."

Ang hindi raw ipinakita sa video ay ang nangyari kinabukasan—ang pagbabalik ng lalake sa set at kinausap si Marian.

"The next day, bumalik siya, nagkaayos kami at nagkapaliwanagan kami. Alam ko sa sarili ko na ipinagtanggol ko lang ang sarili ko, dahil binastos ako. Mali ba ang ginawa ko?" tanong ni Marian sa PEP.

MARIAN SUPPORTERS. Matutuwa si Marian dahil marami ang nagpahayag ng suporta sa kanya. Bukod sa binasa niyang text messages, marami rin ang nag-email at kinukondena ang ginawa ng lalake. Kahit sila'y naniniwalang frame-up ang lahat.

Kabilang sa nag-email sa PEP sina Arya Tupaz ng UPBL College, Laguna; Belleraf; Marylou Gallienne na member ng Global Fans of Marian at taga-Calgary, Toronto; si Mildred Borlongan; at Christine Anne Factoriza.

Nagtatanong ang mga nabanggit kung bakit nakapasok sa set ang lalake at hindi sinita kahit kinakitaan na ng video. Ano raw ang ginagawa ng GMA-7 para protektahan si Marian at ang iba nilang artista para hindi na maulit ang nangyari?

Naniniwala rin silang frame-up at plinano ang nangyari at gusto nilang iparating ang suporta nila sa young actress.

L.A. TRIP. On a happier note, excited na si Marian sa Los Angeles trip nila ni Dingdong Dantes. Sa July 19 sila aalis para dumalo sa GMA Pinoy TV event doon. Babawi na lang daw siya sa Los Angeles sa hindi natuloy na hinihingi niyang bakasyon sa Madrid, Spain, para bisitahin sana ang ama at relatives niya roon.

Napansin ng PEP na Pond's ang gamit ni Marian na pang-alis sa prosthetics niya sa mukha at siya mismo ang nag-aalis nito. Magpapalagay na lang daw uli siya pagdating nila sa Ocean Park sa may Quirino Grandstand, kung saan sila lumipat ng location after the Loyola Grand Villas set-up.

No comments:



Blog Archive

History

The History of the site:

This site was created during Dec. 30, 2006 (Philippine Time) known as "Kapamilya Pinoy Blogspot" at first but the author decided to change it to "TV Craze," on 5:06 a.m., February 12, 2008 (Philippine time). KPB still exists but it serves as a portal to this site for those who embraced its name. The name may have changed but the contents are still the same.
Powered By Blogger

Disclaimer

TV Craze is not affiliated and related to any network especially ABS-CBN Broadcasting Corporation & GMA Network Incorporated (Philippine TV) nor ABC, CBS, NBC, FOX, The CW and MNT (American TV Networks). This blog is only a site for TV Addicts and it provides informations.