TV Craze Chat


Current LOCATION of Publisher/Author: United States

Please use the ENGLISH language in the chatbox so that we can communicate with each other especially the visitors from around the world.


Get your own Chat Box! Go Large!

-----------------

Tuesday, June 03, 2008

Kristine Hermosa News

Kristine Hermosa still friends with Jericho, still loves Diether, and still the same with Oyo

Melba Llanera

Tuesday, June 3, 2008
03:40 PM


After Heart Evangelista and Jericho Rosales's controversial break-up, agad na umugong ang usap-usapan na isang teleserye daw ang hinahanda sa ngayon ng ABS-CBN para sa comeback ng tambalang Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Proven to be one of the most accepted and well-supported love teams by fans as proven by their highly successful TV dramas Sana'y Wala Nang Wakas and Pangako Sa ‘Yo and their box-office films Forevermore and Ngayong Nandito, siniguro na agad na tiyak na aabangan ng publiko ang pagbabalik-tambalan ng dalawa.

EXCITED TO BE WITH ECHO AGAIN. In a PEP (Philippine Entertainment Portal) interview with Kristine Hermosa last Sunday in ASAP '08, inamin sa amin ng aktres na sobrang excited siyang muling makasama dating kapareha't boyfriend. Although hindi pa naman siya makapagbigay ng kahit na anong detalye tungkol sa gagawin nilang proyekto na kasalukuyang niluluto pa lang ng kanilang network.

"Hindi ko pa kayang magsalita ngayon, pero ang alam ko lang, may gagawin kaming MMK episode together. May sinasabi sila na may ginagawa daw na soap for us, pero ang hirap kasing magsalita ‘pag wala pa talaga, ‘di ba?

"Dati pa naman sinasabi ko na gusto ko siyang makatrabaho uli. Nae-excite lang ako kasi ‘pag magkasama kami nun ni Jericho, para kaming mga bata. Hindi nawala yung fun na, ‘Uy, magkakasama uli kami. Ano na naman kaya ang mga mangyayari?' Kasi siyempre ang dami nang changes. Nag-mature na kami pareho."

STILL FRIENDS. Si Jericho ang unang boyfriend ni Kristine at kahit na nauwi sa break-up ang relasyon nila, Kristine assured PEP na magkaibigan pa rin sila ng aktor.

Aminado ang aktres na nung nakarating sa kanya na break na sina Jericho at Heart ay nakaramdam din siya ng lungkot para sa ex-boyfriend.

"Siyempre nagulat ako. Hindi ko alam kung totoo, and nung finally nalaman ko na totoo na nga, siyempre I also felt sad for him kasi alam ko they both want it to really work out.

"Ever since naman, magkaibigan kami ni Echo. Although nawala siya for a while kasi ganyan naman si Echo, ‘pag may mahal talaga siya, yun ang pokus niya and naiintindihan ko yun. Saka mula nung naghiwalay kami, wala akong ibang hiling kundi ang maging masaya siya. Mahanap niya yung right person for him at saka yung tama din na tao na mag-aalaga at magmamahal sa kanya."

For someone who also came from a broken relationship, hiningan din namin si Kristine kung ano kaya ang maipapayo niya sa mga taong nasa ganito ring sitwasyon sa ngayon, gaya nga ni Jericho.

"For me kasi I don't consider my relationships na ‘di nag-work out coz it did work out. Mayroon lang talagang mga aspeto sa relationship at sa dalawang taong nagmamahalan na minsan you have to work on something para mas mag-work out. ‘Di mo masasabing magwo-work out ‘yan o magagawa mo overnight. Sometimes you have to take time for yourself para makita kung ano yung mga things na nagkulang o nawala pero ‘di ibig sabihin nun that's the end of it."

STILL LOVES DIET. Consistent sa pagsasabing walang balikang mangyayari sa kanila ni Diet pero kahit walang reconciliation sa kanila, Kristine never denied na mahal pa rin niya si Diet.

"Mahal ko pa rin yun and alam ko ‘di na mawawala yun kahit magkaroon siya ng ibang girlfriends o magkaroon ako ng ibang boyfriend.

"'Di ko alam kung saan kami dadalhin ng panahon, pero alam ko hinding-hindi na siya mawawala sa puso ko.

NOT YET READY. Lagi ring sinasabi ni Kristine sa mga past interviews niya na hindi pa siya ready to enter a new relationship. Ito rin ang dahilan kung bakit kahit ganun ka-persistent sa panunuyo sa kanya si Oyo Sotto ay hindi pa rin lumalagpas sa pagiging magkaibigan ang relasyon nila ni Kristine.

"Ganun pa rin kami, wala pa ring nagbabago sa sitwasyon namin. As long as hindi pa ako handa na magbukas ng puso at sarili ko, walang magbabago. So far we're still the same and masaya naman kami sa ganun."

"'Di mahirap mahalin si Oyo, napakadaling mahalin ng taong yun. Grabe siya magpakita ng pagmamahal, atensyon, affection, talagang all out. But right now, di ako nagmamadali, wala pa sa plano ko ang pumasok sa bagong relasyon, but tingnan natin pag dumating na yung time na."

WILLING TO WORK WITH DIREK ANDOY. Isa sa isyung pinukol kay Kristine noon ang matinding away raw sa pagitan nila ng director ng Prinsesa ng Banyera na si Direk Andoy Ranay, dahilan nga raw kung bakit napaaga ang pagkawala nito sa ere.

Sa tanong namin kung bukas pa ba siyang makatrabaho uli ang nasabing director, positibo naman ang naging sagot sa amin ng aktres.

"Kung magiging maayos naman, kung maayos ang lahat, bakit hindi? Kasi ako as much as possible, lahat ng katrabaho ko, gusto ko kasundo ko. Hindi lang sila ang nag-a-adjust sa akin, nag-a-adjust din ako sa kanila. So, I prefer na family talaga yung treatment namin. Yung tipong ‘di ka nagwo-worry na baka iba na yung sinasabi sa iyo o nami-misinterpret ka na pala. Siyempre mas gusto ko yung kilala ako, yung mahal ako saka yung accepted ako at ganun din siya.

"Pag trabaho kasi sa akin, ‘di ko siya tinatrato na trabaho lang ito, professional ako. Sige pero minamahal ko kasi ang mga katrabaho ko. Kumbaga, gusto ko silang maging parte rin ng buhay ko. Ganun kasi akong klase ng tao at ganun ako magtrabaho kaya ‘pag may nangyayaring ganun, naaapektuhan din ako nang sobra."

No comments:

Blog Archive

History

The History of the site:

This site was created during Dec. 30, 2006 (Philippine Time) known as "Kapamilya Pinoy Blogspot" at first but the author decided to change it to "TV Craze," on 5:06 a.m., February 12, 2008 (Philippine time). KPB still exists but it serves as a portal to this site for those who embraced its name. The name may have changed but the contents are still the same.

Disclaimer

TV Craze is not affiliated and related to any network especially ABS-CBN Broadcasting Corporation & GMA Network Incorporated (Philippine TV) nor ABC, CBS, NBC, FOX, The CW and MNT (American TV Networks). This blog is only a site for TV Addicts and it provides informations.