TV Craze Chat


Current LOCATION of Publisher/Author: United States

Please use the ENGLISH language in the chatbox so that we can communicate with each other especially the visitors from around the world.


Get your own Chat Box! Go Large!

-----------------

Wednesday, August 15, 2007

Abante - Tonite: August 16, 2007 Issue.

Iniiwasan na ni Ali Sotto na mag-comment sa mga punang ibinabato sa kanya pagkatapos lumabas sa Startalk ang interview sa kanya tungkol kay Angel Locsin.

"Ayaw ko na lang magsalita, kasi, in the process, si Angel lang ang masasaktan," pahayag ng actress/broadcaster.

May statement siyang ipinahayag sa kanyang radio program kahapon pero hindi na siya nag-emote nang husto para na lang kay Angel na nakausap niya nang personal nu’ng ang Sabado.

Nagkita sila nu’ng Sabado nang gabi at masinsinan silang nag-usap pero ayaw na niyang ibahagi sa amin kung ano ang kanilang napag-usapan.

"Basta, bumaha ng luha," dagdag ni Ali.

Gusto niyang linawin na never niya sinabing sumikat si Angel magmula nang namatay ang anak niyang si Miko.

Pina-transcribe pa niya ang interview niya sa Startalk, at ang sinabi lang niya base sa tanong ni Butch Francisco ay, "Napansin si Angel nang namatay si Miko."

"Hindi ko sinabi iyun dahil never ko naman iniisip iyun. Hindi ko iyun isinusumbat kay Angel.

"Ang sinabi ko lang, napansin, at ang sumunod du’n ay pinaghirapan na niya kaya siya sumikat. Masama ba iyun?" patuloy ni Ali nang nakausap namin kahapon pagkatapos ng kanyang radio program sa DZBB.

***

Hindi lang si Ali ang apektado ngayon kundi mas matindi ang tama ngayon kay Mother Lily Monteverde itong pagpirma ni Angel Locsin sa Star Cinema Films kasabay ng pagpirma nito sa ABS CBN 2.

Ang pagkakaalam ko, may miting si Mother sa mga taga-Star Cinema kahapon pero hindi ko pa alam kung natuloy dahil nu’ng nakausap ko siya sa contract-signing nina Jenica Garcia at Mart Escudero nu’ng Martes, wala na raw siyang balak na makipag-miting dahil kabastusan na raw ang ginawa sa kanya.

Bago dumating ang araw ng pirmahan, sinabihan pa raw ni Mother ang mga taga-Star Cinema na huwag papirmahin si Angel sa naturang film outfit dahil may existing contract pa ito sa Regal Films.

Nung huling miting nila, tinanong pa raw ni Mother si Ms. Becky Aguila kaharap pa ang abugado nitong si Atty. Joji Alonzo kung pipirma ba si Angel sa Star Cinema.

Mabilis daw ang sagot ni Ms. Becky na hindi sila pipirma sa Star Cinema.

Kaya gulat na gulat daw si Mother Lily nang nakita niyang pumirma si Angel nu’ng Sabado sa Star Cinema.

Masamang-masama ang loob ni Mother Lily sa mga nangyari.

"It’s not the contract, eh. Kahit na there’s a contract or no contract, kung babastusin ka, wala ka talagang magagawa eh," medyo nanginginig pang pahayag ni Mother sa sobrang galit.

Nung nakausap namin si Mother Lily nu’ng Martes, pinag-iisipan na raw nitong magdemanda dahil malinaw na nilabag nina Ms. Becky at Angel ang kontratang pinirmahan sa Regal.

Abangan na lang sa Startalk ang mas matinding pahayag ni Mother Lily kaugnay sa isyung ito.

No comments:

Blog Archive

History

The History of the site:

This site was created during Dec. 30, 2006 (Philippine Time) known as "Kapamilya Pinoy Blogspot" at first but the author decided to change it to "TV Craze," on 5:06 a.m., February 12, 2008 (Philippine time). KPB still exists but it serves as a portal to this site for those who embraced its name. The name may have changed but the contents are still the same.

Disclaimer

TV Craze is not affiliated and related to any network especially ABS-CBN Broadcasting Corporation & GMA Network Incorporated (Philippine TV) nor ABC, CBS, NBC, FOX, The CW and MNT (American TV Networks). This blog is only a site for TV Addicts and it provides informations.