TV Craze Chat


Current LOCATION of Publisher/Author: United States

Please use the ENGLISH language in the chatbox so that we can communicate with each other especially the visitors from around the world.


Get your own Chat Box! Go Large!

-----------------

Saturday, August 04, 2007

Abante Tonite: Fans club ni Angel, bubuwagin na

Nakatanggap kami ng email mula kay Angelika Yuson, isa sa mga founder ng Angel’s Wings, ang fans club ni Angel Locsin.

Naka-attach sa email ni Angelika ang official statement nila tungkol sa kontrobersya na kinasasangkutan ng kanilang idolo.

Mahaba ang official statement pero hindi nila hinusgahan si Angel at ang desisyon nito na lumipat sa ABS-CBN.

Ayon kay Angelika, 79,323 ang bilang ng nationwide membership ng Angel’s Wings.

Malungkot na ibinalita ni Angelika na bubuwagin na nila ang nabanggit na fans club dahil deeply affected at disappointed sila sa series of events na nasaksihan nila tungkol sa pag-alis ni Angel sa GMA 7.

To qoute Angelika, "Siguro, hanggang dito na lang kami. Alam namin na kailanman ay di kami makakaapekto sa desisyon ninyo (referring to GMA 7 and advertisers) sa kanya, pero isa lang ang magagawa namin, ang tumigil sa pagsuporta sa kanya.

"Good luck and thanks for the memories. Alam namin kung saang business naroon ka, pero ‘di namin kailanman naisip na mapapasama ka sa business na ‘yon."

4 comments:

Anonymous said...

Avid fan din ako ni angel pero im so much disappointed sa ginawa nya. Kahit anong explain niya talagang mayabang na sya, sagad-sagarang walang utang na loob!!!
Im happy na bubuwagin na fans club niya, she dont deserve fans anymore. Nakatikim lang ng kasikatan, nasobrahan na ng lipad... Shes not a good actress anyway..

Anonymous said...

avid fan daw???! fans will always be fans! yung mga nagbubuwag eh mga hindi loyal na fans lang noh at naniniwala agad sa mga nasasagap na negative na balita. eh bakit nung nasa GMA pa si Angel, panay ang puri nyo??????

Anonymous said...

Maraming fans si Angel dati kc ckat sya nun at maganda pa ang ugaling pinapakita nya. Pero ngayong lumabas na ang tunay nyang pagkatao, maraming na-disappoint. So bkit ka magiging loyal sa isang taong WALANG UTANG NA LOOB at HIPOKRITA? And it turned out na ang mga fans ni Angel, loyal sa GMA at hindi sa kanya. Ibig sabihin kaya sya maraming fans kc ns poder sya ng GMA. So kung walang GMA di sya magkakaroon ng fans. Ngayong wala n sya sa 7, i doubt it kung may susupport pa sa kanya. Malamang ung ilan ilang mga fans ng KAPAMILya.
So goodluck nlng sa kanya.

Kung talagang mabuti kang anak, bakit mo tinatago ang nanay m? Kahit ano o sino pa yan, dapat ipagmalaki mo kc nanay m yan.

Un lang

anGelFOrEveR said...

maSYADO NAMAN KAU MGA FANS NI ANGEL..
KUNG IDOL NIO SIA SUSUNDAN NIO AT MAMAHALIN YAN KAHiT ano Pa NanGyari...
i lOve anGel...

Blog Archive

History

The History of the site:

This site was created during Dec. 30, 2006 (Philippine Time) known as "Kapamilya Pinoy Blogspot" at first but the author decided to change it to "TV Craze," on 5:06 a.m., February 12, 2008 (Philippine time). KPB still exists but it serves as a portal to this site for those who embraced its name. The name may have changed but the contents are still the same.

Disclaimer

TV Craze is not affiliated and related to any network especially ABS-CBN Broadcasting Corporation & GMA Network Incorporated (Philippine TV) nor ABC, CBS, NBC, FOX, The CW and MNT (American TV Networks). This blog is only a site for TV Addicts and it provides informations.