TV Craze Chat


Current LOCATION of Publisher/Author: United States

Please use the ENGLISH language in the chatbox so that we can communicate with each other especially the visitors from around the world.


Get your own Chat Box! Go Large!

-----------------

Monday, February 04, 2008

Philippine Showbiz: Echo-Heart House?

Jericho Rosales ready to welcome Heart Evangelista to his new house
Julie Bonifacio
Tuesday, February 5, 2008
08:37 AM

Sinamahan ni Jericho Rosales ang kasintahang si Heart Evangelista ng mag-guest ang young actress sa The Buzz noong Linggo, February 3. Pinabulaanan ni Echo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang lumabas na balita na mayayari na this month ang bago niyang bahay.

Ayon sa kanya, marami pa raw siyang binubusisi sa kanyang bahay. Pero tumangging magsabi si Echo kung magkano na ang nagastos niya sa pagpapatayo ng kanyang dream house.

"Ayoko na pinag-uusapan yung bahay, e. Sorry, ha, hindi ko masabi [kung magkano]. Hindi naman sa bawal. Nadya-dyahe lang ako kapag pinag-uusapan yung bahay ko," paliwanag ni Jericho.

Kuwento ni Heart sa PEP sa huling panayam namin sa kanya, na-amaze ang kanyang kasintahan kung gaano kamahal ang binili niyang tiles para sa bagong bahay niya.

"Actually, baka ina-ano lang niya, ang tinutukoy lang niya yung pagpagawa ng bahay," sabi ni Echo. "Yung tiles, ako ang naghanap noon. Actually, hindi lang yung tiles, every detail. Kami nung architect ang naghahanap ng materyales para sa bahay."

Para kay Echo, hindi ang pagkakaroon niya ng bagong bahay ang masasabing sukatan ng kanyang tagumpay sa buhay.

"Bagay lang yun. Para sa akin, yung happiness, contentment, and personal character. Yeah, ‘yan ang success for me. Kasi negative, kapag hindi ako makuntento sa gusto kong maabot sa buhay ko, di ba?

"I think right now, since nag-break ako from acting... So from now, medyo kilala na nila ako as a singer and every time they want me, yung mga projects nila for singing engagements na," pahayag niya.

Posible raw matapos ang bahay niya in the next two months.

"Naku, matagal pa yun. The whole house is already built, but after that, matagal pa ‘yon. Grabe, ang hirap namang maging showbi p,ati bahay pinag-uusapan!" natatawang sabi ni Echo.

Malabo pa na umabot sa birthday ni Heart on February 14 na isabay ang housewarming ng bagong bahay ni Echo. Nabanggit pa naman ni Heart na gusto niyang mag-celebrate ng birthday sa bagong bahay ni Echo.

"Wala pang mga pinto. At wala pa akong plano for that. Pero malamang dito lang sa Manila magse-celebrate si Heart ng birthday niya kasi may work siya. May family dinner muna siya, but may birthday celebration din siya with her friends," kuwento ng aktor.

Ang plano ni Echo ay lumipat na sa bagong bahay next month.

"Camping-camping lang ako doon. Basta may pintuan na yung kuwarto ko. Magbabantay ako sa construction site. Kasi finishing na lang. That's the hardest part, e," aniya.

Pagkatapos ng bahay, yayayain na ba niya si Heart na magpakasal?

"Ah, hindi pa. Matagal pa siguro," natatawang sabi ni Echo.

Iimbitahan ba niya ang ama ni Heart, ang restaurateur na si Reynaldo Ongpauco, sa housewarming ng bago niyang bahay?

"Masyado pang malayo siguro yun. But you know, why not? It's a dream. Pero step by step," sabi ni Echo.

Sabi ni Heart, nababanggit na raw ng daddy niya ang pangalan ni Echo. Ano ang reaksiyon ni Echo rito?

"Masaya ako," ngiti ni Echo. "Ang pinakamasaya ako doon yung okay silang mag-ama. Kasi alam ko yung value ng family, di ba?"

Dagdag niya, "At first, kasi parang walang bilib sa amin yung mga tao. Marami, di ba, na parang kumontra sa relationship namin? Although, they said, 'O, you guys look good together pero hindi kayo maganda para sa career ninyo ang isa't isa.' Three years na kami ngayon, pero maganda. We're still here. We're strong. Heart's working and I'm working. We just got better in terms of personality and character. Mas stable kami ngayon, di ba?

"I think we're better people now than before. So ngayon, kapag naglalakad kami, di ba, yung mga tao parang tanggap na nila kami? Tapos sinasabi nila na parang ang gaan daw ng feeling nila kapag nakikita nila kami. There must be something to it, di ba?"

Kailan naman siya lalapit sa daddy ni Heart?

"I don't want to announce it," sagot. "But expect na lang na good things are gonna happen kasi yun ang goal ko, e. So, maganda. Heart's happy. I'm happy for her. I'm happy things are doing well with my music career. Magwo-work na ulit ako sa TV soon. But I can't say yet kung ano'ng project."

BIRTHDAY GIFT FOR HEART. Hindi raw nag-e-excpect si Heart na diamond jewelries mula kay Echo para sa kanyang nalalapit na kaarawan dahil sa bago niyang bahay. Pero dapat daw dalawa ang iregalo sa kanya ni Echo: one for her birthday at yung isa para sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso.

"Oo nga pala, ‘no? Siguro hikaw na lang para dalawa. O di kaya sapatos, dalawa, di ba?" tawa niya ulit.

Sinabi rin namin kay Echo ang pahayag ni Heart na ayaw na niya ng Louis Vuitton kasi marami na raw ang gumagawa nito.

"Ay, ayaw na niya ng ganun? Siguro magtataob na lang ako ng baka tapos papatuyuin ko yung balat nun!" natatawang niyang sabi.

"Pero ano, hindi ko pa muna i-announce. Pinagpipilian ko pa. She like jewelries, mga bags, shoes."

Ayaw na rin daw ni Heart na aso ang iregalo ni Echo sa kanya.

"Ako nga ang pumipigil sa mga aso niya ‘di ba? So, I don't know basta anything related to her ano, basta anything that will make her happy."

At sa huli, nagbigay ng mensahe si Echo para sa kaarawan ni Heart.

"Sana magtuluy-tuloy na yung happiness niya sa family niya, first of all. On top of that, maybe be very beautiful and strong career now that she's back and she's capable of handling her own self na. Sana talaga yung mga projects na dumating sa kanya is something really fit for her. I-emphasize ko yung fit because she's very mapili. I'm sure God will bless her with more projects na bagay talaga sa kanya. At sana, laging guwapo ang tingin niya sa akin," kasunod ang malakas na halakhak ni Echo.


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers. (Philippines only!)

2 comments:

Myla said...

Great article, would you mind if I share this @ showbizandstyle.blogspot.com

TFCGodSon said...

Sure, you can this from PEP.ph

Blog Archive

History

The History of the site:

This site was created during Dec. 30, 2006 (Philippine Time) known as "Kapamilya Pinoy Blogspot" at first but the author decided to change it to "TV Craze," on 5:06 a.m., February 12, 2008 (Philippine time). KPB still exists but it serves as a portal to this site for those who embraced its name. The name may have changed but the contents are still the same.

Disclaimer

TV Craze is not affiliated and related to any network especially ABS-CBN Broadcasting Corporation & GMA Network Incorporated (Philippine TV) nor ABC, CBS, NBC, FOX, The CW and MNT (American TV Networks). This blog is only a site for TV Addicts and it provides informations.